Thursday, November 11, 2010

Ang mga Liham....


Ang sulat ng Binata
Mahal ko,
Hindi ko malaman kung paanong nangyari
Bigla na lang sumigla ang puso kong sawi
Ng makita kita nais kong ipadama
Ang isang pag-ibig na walang hanggana
Sa loob ng dalawampu’t apat na oras
Ikaw ay iingatan, kalungkutan kailan may di ipaparanas
Ngunit sadyang kay pait ng tadahana
Ikaw ay ipinagkasundo na ng iyong ama’t ina
Sa binatang kailan ma’y di mo pa nakikilala
Kung meron pang magagawang paraan
Para ikaw ay makawala sa kasunduan
Ay aking gagawin
Upang matamis mong pag-ibig ay aking maangkin.
Pero huli na ang lahat, bukas ay iyong kasal
Asahan mong sa bukana ng simbahan
Doon ako’y naka tayo at sayo’y mag hihintay.


Ang tugon ng Dalaga
Bukas na ang aking kasal
Sa binatang hindi ko minamahal
Bakit ba hindi ka agad nakilala
Upang sa akin ama’t ina ikaw ang naipakilala
Alam mo bang ikaw lamang ang aking mahal
Ang nais kong pakasalan
Hindi ang binatang ipinagkasundo dahil sa kanyang yaman.
Nais kong ikaw ay samahan hanggang pagtanda
Ngunit hindi ko makaya
Mga magulang ko’y ipahiya.
Ang hindi ko pag sipot sa aking kasal
Ay isang kahihiyan sa apelyido ng aking ama
Kaya aking mahal
Ating nang tanggapin
Kahit kailan hindi kita makakapiling.


Ang huling liham ng Binata
Kailan man hindi ko matatanggap
Mapipilitan kang mag pakasal sa kaniya
At hindi ko makakayang makita
Na ikaw ay nakatali na
Kaya kapag ikaw ay dumating
Bukas suot ang iyong damit pangkasal
Agad akong uuwi
At ako’y mag bibigti
Dahil wala ng saysay ang buhay ng isang sawi
Nawa ako ay iyong alalahanin
Sa iyon mga panaginip
At pati ang mga pangako na ating sinasambit.
Sa tunog ng kampana
Hudyat ang iyong kasal ay tapos na
Sabay talon sa upuang katatayuan
Katawan ko ay bibitin bitin
At habang nauubusan ng hangin
Pangalan mo ay isisigaw ko
Hudyat na ako’y namatay nag mamahal sa iyo.



Sulat ng Anak sa Ama’t Ina
Ama, may natanggap akong liham
Nang galing sa lalaking aking minamahal
Ngayong gabi ako ay mag papaalam
At huwag mo sanang pigilan
Dahil ako ay sasama na sa kanya ng tuluyan.
Hindi ko nais na puso mo ay mawasak
Dahil sa kahihiyan na dulot ng iyong anak
Ngunit minsan lang ako magiging masaya
Huudlutan mo pa ba?
Ina, huwag kang mag aalala
Ako’y magiging masaya sa piling ng binata
Alagaan mo pong mabuti si ama
At kung kinakailangan ninyong itakwil
Ako bilang inyong anak
Akin itong tatanggapin sa ngalan ng pag – ibig
Naaalala ko pa ang mga pag hihigpit niyo sa akin
Mula bata ako’y hindi naging masaya sa inyong pag aalaga
Ngayong nagtagpuan ko na ang saya
Hindi ko na ito pakakawalan pa
Aalis akon na kasama siya
At bubuo ng masayang pamilya.

1 comment:

  1. alam mo.....hmmm.. inggit ako sayo sa pag gawa ng poems!!!!~_~ hindi ko to kaya nak... ikaw na! Yehey! ang galing..turuan mo nga ako magsulat ng ganito kaganda at kasaktong mga tula,...:)

    Anak ko.:) ,i have an award for you for posting lovely blogs!

    visit my site to claim it!
    http://sevencupsofrice.blogspot.com/2010/11/another-blogger-award-from-eat-pray.html



    loves♥ Nanay.~_~

    ReplyDelete